-- Advertisements --

Iniimbestigahan ng pulisya ang nasa dalawang katao kaugnay ng banta ng pamamaril at pananaksak sa Batangas City Integrated High School.

Nitong Lunes, sinuspendi ang face-to-face classes matapos kumalat online ang mensahe ng isang umano’y Grade 10 student na nagsasabing binu-bully siya at nagbantang babarilin at sasaksakin ang mga kapwa estudyante.

Ayon sa Batangas City Police, natukoy bilang persons of interest ang isang 17-anyos na Grade 10 student at isang 20-anyos na lalaki.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na posibleng nagawa ng estudyante ang pagbabanta dahil umano sa pambu-bully na nararanasan nito.

Patuloy ang imbestigasyon, kabilang ang forensic examination sa mga cellphone ng mga persons of interest.

Samantala, tiniyak ng pamunuan ng paaralan na ligtas ang campus at paiigtingin ang seguridad.

Magbabalik naman ang face-to-face classes ngayong Martes.