(Update) CAUAYAN CITY – Overspeeding ang isa sa nakikitang anggulo ng pulisya na sanhi ng banggaan ng dalawang motorsiklo sa Nueva Vizcaya na siyang ikinasawi ng dalawang katao.

Kinilala ang mga biktima na sina Joeffrey Artienda, 59-anyos na principal; at Rodolfo Anchetam, 54, magsasaka.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni police Maj. Jobberman Vides, spokesperson ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, na nagtamo ng malalang sugat ang dalawa kaya dead on arrival nang ideklara sa ospital.

Batay sa ulat, biglang sumulpot ang motorsiklo na minamaneho ni Ancheta kaya nito nabangga ang kasalubong din na motor.

Ani Vides, parehong mabilis ang patakbo ng dalawang sasakyan kaya nagsalpukan sa pakurbang kalsada.