-- Advertisements --
Nasa dalawang katao ang nasawi habang 22 ang sugatan ng manalasa ang bagyong Biparjoy sa western India na malapit sa Pakistan border.
Humina ang nasabing bagyo matapos na maglandfall sa Gujarat state coast subalit may dala ito ng malakas na pag-ulan at hangin.
Maraming mga residente sa nasabing lugar ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Una rito ay mayroong mahigit 170,000 na residente ng dalawang bansa ang kanilang inilikas.
ang bagyong Biparjoy o ibig sabihin ay “Disaster” sa Bengali ay unang tumama sa Jakhau city sa Gujarat.