-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos ang pamamaril sa isang high school sa St. Louis City, sa US.

Napatay din ng mga rumespondeng kapulisan ang suspek na pinaniniwalaang nasa edad 20.

Ayon kay St. Louis police chief Mike Sack, isang babae at dalagita ang binaril ng suspek gamit ang hindi pa malamang kalibre na baril.

Mabilis na isinara ng mga otoridad ang paaralan at hinalughog ang lugar at doon nakita ang suspek.