Patay ang dalawang lalaki matapos na sila ay pagbabarilin habang nasa lamayan sa Caloocan City kagabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Crisanto Santiago, isang pahinante at Jasper Eslisa, 17-anyos.

Naitakbo naman sa pagamutan ang isang biktima na natamaan ng ligaw na bala.

Itinuturong dahilan ng pamamaril ay ang alitan sa sugal kung saan mabilis na tumakas ang hindi pa nakilalang suspek.