CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawang magsasaka sa pagsalakay ng mga armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Modi Panambualan, 37 anyos, may asawa at manugang nito na si Jamel Pauntang, 23 anyos, kapwa taga Sitio Barurao Barangay Dado Alamada Cotabato.

Ayon sa ulat ng Alamada PNP na habang nasa kanilang sakahan ang mga biktima ay biglang dumating ang grupo ni Kumander Omar at pinagbabaril ito gamit ang M16 Armalite rifles.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa bahagi ng Barangay Nuyo Buldon Maguindanao.

Patay on the spot si Panambualan nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa katawan habang naisugod sa Alamada District Hospital si Pauntang ngunit kalaunan ay binawian ng buhay.

Awayan sa lupa ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa dalawang magsasaka na patuloy nilang iniimbestigahan.