-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay ang dalawang rider matapos nagsalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Millan sa bayan ng Sibuang, Guimaras.
Ang mga biktima ay sina Jason Miague, 28, at Jeremias Galve, 29-anyos, na kapwa nakatira sa nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Bonifacio Aral, officer-in-charge ng Sibunag Municipal Police Station, sinabi nito na nag-overtake si Miague sa isang sasakyan at nagkataon na nakasalubong niya si Galve.
Ang dalawang drivers ay napag-alaman na walang suot na helmet.
Kaagad na dinala ang mga biktima sa ospital ngunit idineklara silang dead on arrival.