-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao at sugatan ang siyam na iba pa matapos ang naganap na malaking sunog sa isang palengke sa Bangkok, Thailand.
Nadamay pa ang ilang mga sasakyan na nakaparada sa tabi ng palengke ng Chinatown district.
Sinasabing hindi agad na nakalabas ang mga nasawing biktima sa kasagsagan ng sunog.
Nakarinig pa ng mga pagsabog mula sa loob ng palengke na galing sa mga LPG.
Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatang mga biktima.
Sinabi ni Bangkok Governor Chadchart Sittipun, na nagmula ang sunog sa pagkasabog ng power transformer sa ikatlong palapag ng gusali na siyang dahilan ng sunog.