-- Advertisements --
Nasa dalawang katao ang nasawi matapos na tumama ang magnitude 7.3 na lindol sa Qinghai province sa China.
Naitala ng US Geological Survey ang epicenter ng lindol sa 400 kilometers southwest ng Xining City at may lalim ito na 10 kilometro.
Naramdaman din ang nasabing pagyanig sa kalapit na lugar.
Noong 2010 ay tinamaan na ng magnitude 6.9 na lindol ang Qinghai na nag-iwan ng 3,000 katao ang patay.