ILOILO CITY – Patay ang dalawa katao habang kritikal ang dalawang iba pa matapos ang magkasunod na aksidente sa Iloilo.

Dead on the spot si Jojo Dula, 38, nang tumilapon ang kanyang motorsiklong minamaneho matapos bumanggan sa jeep ng nagpapagaling sa ospital na si Zoe Gubito.

Batay sa ulat, tinangkang mag-overtake ni Dula mula sa sasakyan ni Gubito pero nawalan umano ito ng balanse hanggang mabangga at mahulog sa kanal ang jeep.

Nalaglag mula sa pampasaherong sasakyan ang pasaherong si Mary Ann Delos Reyes na kritikal ang lagay sa ospital.

Samantala, patay naman ang isang Ricardo Opisma Pastolero Jr., 32, nang bumangga rin ang motor nito sa isang pribadong sasakyan sa bayan ng Zarraga.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Pastolero at idineklarang dead on arrival.

Ligtas naman ang driver ng nabunggong sasakyan na si Patrick Palmares.