-- Advertisements --

Patay ang dalawang crew ng commercial ship matapos na tamaan ito ng ballistic missiles ng Houthi rebels habang ito ay nasa Gulf of Aden.

Tumama ang nasabing missile sa M/V True Confidence na isang Barbados-flagged, Liberian-owned bulk carrier.

Sa insidente rin ay sugatan ang anim na crew member ng nasabing barko.

Ipinagmalaki ng Houthi ang kanilang missile strike ay “accurate” na nagdulot ng sunog sa nasabing barko.

Sinabi ni US State Department spokesperson Matthew Miller na isang nakakalungkot ang pangyayari dahil sa pagkadamay ng mga inosenteng biktima.