Dalawa patay matapos mahulog sa bangin ang isang delivery truck , bandang alas-11:00 kagabi sa may national highway sa Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Tuba PNP, ang truck na sinasakyan ng dalawang biktima ay naglalaman ng mga gulay at patungo sana ito sa La Union ng mabangga ito sa isang poste ng kuryente

Kinilala ng Tuba Municipal Police Station ang dalawang namatay na sina Bobby Velayo at Alvin Garces, kapwa residente ng Nueva Ecija.

Nakaligtas naman ang driver ng truck na nakilalang si Joe Pigson, subalit nasa kritikal na kundisyon at kasalukuyang ginagamot sa Agoo Nazarene Hospital.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Tuba PNP ukol sa sanhi ng aksidente.