-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang dalawa katao at anim ang sugatan sa pamamaril dakong alas-7:00 nitong gabi ng Linggo sa Cotabato City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Tato Malindatu at alyas Mugia.

Sugatan naman sina Amar Piang, Nando Malindatu, Datu Nilan Agar, Datu Norman Pasawilan, Mohaymim Ali at Datu Ali Balabaran, mga residente ng Barangay Kalanganan 2, Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya, pinagbabaril ang mga biktima gamit ang mga matataas na uri ng armas ng mga hindi kilalang mga suspek na agad na tumakas.

Agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang mga sugatan ngunit dalawa sa kanila ang dineklara ng mga doktor na dead on arrival.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaril sa mga biktima.