Sinabi ni Manila Police Director PBGen Andre Dizon, na nagsagawa ang mga pulisya ng checkpoint para sa Oplan Sita sa may bandang Rizal Avenue at Soler St. sa Sta. Cruz, Maynila.
Aniya pinara ng mga otoridad na miyembro ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo pero nang bineberipika nila ang rider ay kinuha nito ang kaniyang baril.
Napag-alaman din na ang plaka ng sinasakyan ng magka-angkas na riding in tandem ay may tinakpan na numero.
Nasugatan ang dalawang pulis habang patay ang rider ng motorsiklo at sugatan naman ang angkas nito.
Nadamay naman ang isang babaeng residente na tinamaan sa ulo at idineklarang dead on arrival nang dalhin ito sa ospital.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga pulis ang nasabing pangyayari. (Troops Anuada Jr.)