-- Advertisements --

Kinumpimrma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawa na ang nasawi sa Visayas Region dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Bising.

Ayon sa NDRRMC, maliban sa dalawang patay, isa rin ang nawawala dahil sa epekto ng naturang sama ng panahon.

Ang mga namatay ay mula sa Central Visayas and Eastern Visayas at ang nawawala ay mula sa Eastern Visayas.

Isa rin ang napaulat na sugatan dahil sa bagyo.

Sa ngayon, nasa 68,490 na katao na o 18,467 na pamilya ang inilikas sa Bicol at Eastern Visayas regions dahil kay bagyong Bising.

Kabuuang 50,523 katao naman o nasa 12,913 pamilya ang apektado.

Sa Eastern Visayas, 56 barangays ang binaha habang sa Caraga Region, apat na imprastraktura, dalawang seawalls, port at tower base ang na-damage.

Dalawang bahay naman sa Bicol at Caraga ang napinsala.

Dahil din sa bagyo, anim na road sections at tulay sa Bicol at Easter Visayas ang hindi pa rin passable.

Aabot naman sa 63 mga lungsod at munisipalidad ang nakararanas ng power interruptions sa Bicol, Central at Eastern Visayas.