-- Advertisements --
Ikinasal na ang dalawang pares ng lesbian sa isinagawang mass military wedding sa Taiwan.
Ito ang unang pagkakataon na isinama ng Taiwan army na makibahagi ang same-sex couples.
Ang Taiwan din ang tanging lugar sa Asya na nag-legalized ng gay marriage.
Mula ng gawing ligal ng Taiwan ang same-sex marriage noong nakaraang taon ay umabot na sa 4,000 na same-sex couples ang ikinasal.
Umaasa naman ang ilang mga same-sex couples na dumami pa ang mga gaya nila.










