-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nadagdagan pa ng dalawang panibagong positibo sa COVID -19 sa Cauayan City ngayong araw, October 26, 2020.

Unang naitala si patient CV2639, babae, 23 anyos, dalaga at residente ng Barangay Minante Uno.

Siya ay may exposure at kabilang sa direct contact ng nagpositibong si CV2585 isang asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19.

Tagapag-alaga ng LGU quarantine facility

Pangalawa si patient CV2645, babae, 34 anyos, may asawa at residente ng Barangay District 1.

Siya ay isang Nursing Aide sa isang pribadong pagamutan, nakaranas ng pananakit ng kasu-kasuan, pagsipon, nawalan ng panlasa at pang-amoy noong October 20, 2020. ‘

Siya ay sinailalim sa swab test noong October 24, 2020.

Inaalam pa sa kasalukuyan kung saan at paano niya maaaring nakuha ang virus.

Nasa pangangalaga siya ngayon ng Barangay quarantine facility.

Kaninang umaga ay umaabot sa 52 confirmed COVID 19 case ang Cauayan City bukod pa ito sa panibagong kaso.