-- Advertisements --
Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagpositibo sa COVID-19 ng dalawa pang tauhan ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Matatandaang 20 ang naitalang positibo sa virus noong Mayo, sa pamamagitan ng rapid test, bago pa man nagsara ang kanilang sesyon.
Bagama’t hindi na tinukoy kung saang tanggapan pumapasok ang mga bagong nadapuan ng COVID-19, sinabi naman ng opisyal na nag-disinfect na sila sa nasabing gusali.
Sasailalim din sa quarantine ang mga taong na-expose sa dalawang tauhan ng Senado.