Bahagyang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga pulis at mga petitioners na nagtungo sa Korte Suprema para maghain ng petisyon laban sa Anti Terror Act of 2020.
Nagsagawa kasi ng rally ang mga petitioners na agad kinontrol ng mga pulis para hindi raw maulit ang nangyaring siksikan kahapon sa Manila Bay.
Un rito, dalawang petisyon pa ang dumagdag sa 33 petisyon na kumukuwestiyon sa ligalidad ng Anti Terrorism Law.
Ang naturang petisyon ay inihain ng humanitarian groups na pinangunahan ng Philippine Miserior Partnership Inc.
Ang isa pang petisyon ay inihain naman ng women’s group and individual na pinangunahan ni Atty. Virgie Suarez, ang abogado ng transgender woman na si Jeffrey Laude alyas Jennifer na pinaslang ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton noong 2014.