DAVAO CITY – Minomonitor na ang kalagayan ng dalawang pasahero na sakay ng sweeper flight na dumating sa lungsod kahapon matapos na bumagsak sa kanilang health screening.

Ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte–Carpio, hindi niya isinasantabi ang posibilidad na mayroong pasahero na magpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) dahil galling ang mga ito sa Maynila.

Sa kasalukuyan, nasa Southern Philippines Medical Center na ang dalawang pasahero matapos isinailalim ang mga ito sa swab testing.

Una nang sinabi ni Mayor Inday na sa kasalukuyan ay may mga supply pa ng Rapid Diagnostic Test ang darating sa susunod na mga araw pero kung magkukulang ito, posibleng health screening na lamang ang gagawin.

Ang pahayag ng alkalde ay may kaugnayan sa pagbuhos ng mga na-stranded na taga-Davao na mula sa iba’t ibang lugar.