-- Advertisements --

Inaasahang darating na sa bansa sa susunod na dalawang taon ang dalawa pang radar system na binili nito sa mula sa Japan.

Bahagi pa rin ito ng Horizon Two o ikalawang bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines para sa pagpapaigting pa ng surveillance capabilities ng militar laban sa mga external threats na posibleng kaharapin nito sa hinaharap.

Ayon sa Department of National Defense, may kabuuang apat na air surveillance radar system ang Pilipinas mula sa Japan na nagkakahalaga sa Php5.5-billion.

Sabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., bahagyang matatagalan ang pagdating sa bansa ng naturang mga natitirang fixed radars dahil may mga kaukulang preperasyon pa aniya silang kailangang gawin para sa mga radars’ sites upang tiyaking mananatiling uninterrupted ang power supply ng mga ito.

Samantala, bukod sa dalawang radar system na inaasahang darating sa bansa sa susunod na dalawang taong ay una nang dumating sa Pilipinas ang isang Mobile-type long-range air surveillance radar nitong Lunes.

Habang noong Disyembre naman ng nakalipas na taon ay na-install naman na ang fixed radar system Sa Wallace Air Station sa San Fernando City, La Union.