CENTRAL MINDANAO- Mariing kinondena ni Cotabato Vice-Governor Emmylou”Lala”Taliño Mendoza ang magkasunod na pagsabog sa bayan ng Libungan.

Inatasan na ni Mendoza ang pulisya na paigtingin pa ang seguridad sa probinsya katuwang ang militar.

Dagdag ni Mendoza na isa na naman itong pamamaraan ng mga taong gustong sirain ang diwa ng Kapaskuhan at upang makapagbigay ng takot sa mamamayan.

Pinapayuhan ni Mendoza ang lahat na mananatili sa kanilang tahanan at mapagmatyag.

Kinomperma din ni Libungan Mayor Christopher “Amping”Cuan na nasa ligtas ng kalagayan ang lima sa anim na nasugatan sa pagsabog at nabigyan narin ng tulong ng LGU.

Sa ngayon ay dinoble pa ng mga otoridad ang pagbabantay sa probinsya ng Cotabato para masiguro ang sguridad ng mamamayan.