-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Makikiisa ang dalawang organisasyon at mga sundalo ng lalawigan ng Pangasinan sa isasagawang blood donation ng Bombo Radyo Philippines at Philippine Red Cross sa Nobyembre 18

Layunin ng Lions International Club at Grand United Horizon Eagles Club ang makatulong sa mga mamamayang nangangailan, hindi lamang sa loob ng Pangasinan kundi sa buong bansa din.

Ayon kay Myra Posada, ang Presidente ng Lions International Club, at Daniel Flores, ang Presidente nama ng Grand United Horizon Eagles Club na matagal na nabuo ang kanilang mga oganisasyong kinabibilangan.

Marami na din ang kanilang nababahagian ng mga tulong sa pamamagitan ng kanilang mga proyekto at programa kaya naman ay patuloy ang paglawak ng kanilang samahan.

Ayon din sakanila na kabilang din sa pag abot ng kanilang tulong ay ang pakikibahagi nila sa pag dodonate ng dugo sapagkat naniniwala silang malaking bagay ito para sa mga nangangailangan.

Kaya naman anila ay taos puso din ang kanilang suporta sa Blood Donation ng Bombo Radyo Philippines na “Dugong Bombo: A Little Pain; A Life to Gain.”

Samantala, bilang mga sundalo, handa umano silang magbuwis ng buhay para sa kapwa kaya’t kaisa rin sila sa mga magbabahagi ng kani-kanilang mga dugo sa naturang proyekto.

Ayon kina BGEN. Gulliver Señires, ang 702nd Infantry Defender Brigade Commander ng Pangasinan, at si Sergeant Bacolor, normal para sa kanila ang makiisa sa mga ganitong uri ng aktibidad.

Dahil na rin anila sa marami ang mga nagpupunta sa kanilang tanggapan na naglalahad ng mga pangangailangan ng dugo kaya’t hindi sila nagdadalawang isip na makiisa.

Hinikayat din ng mga naturang opisyal ang publiko na huwag mag-alinlangang magbahagi ng kanilang mga dugo lalo pa at maraming buhay ang maaaring maisalba.