-- Advertisements --
CHILD LABOR

Naglabas ang Quezon City government ngt dalawang ordinansa para maprotektahan ang mga bata laban sa child labor.

Ayon kay QC Mayor Josefina ‘Joy’ Belmonte, nais nilang maprotektahan ang kapakanan ng mga bata laban sa mapang-abusong child labor o sapilitang pagpapatrabaho sa kanila.

Kung hindi man aniya tuluyang matuldukan, nais ng City government na mapababa ang child labor practices sa buong lungsod.

Batay sa kasalukuyang datus ng City Government ng Quezon sa huling quarter ng 2022, nananatiling mataas ang bilang ng mga child labor sa naturang lungsod.

Nananatili aniyang ginagamit ang ilang mga bata para mapag-trabaho, kung saan kabilang dito ang 5,449 na mga lalake habang 4,773 na mga batang babae.

Sa ilalim ng dlawang bagong ordinansa, ninanais nitong mawala na ang mga ganitong practice sa buong lungsod at mabigyan ng social protection ang mga biktima, kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Dito ay pagbabawalang magtrabaho ang mga bata na ang edad ay mas mababa sa 15 yrs, maliban lamang kung ang mga naturnag bata y magtatrabaho sa ilalim ng pangangalaga o proteksyon ng kanilang pamilya.

Maliban dito, papayagan din ang mga batang makapagtrabaho kung ito ay bahagi ng kanilang partisipasyon sa mga public entertainment katulad ng cinema, teatro, radio, telebisyyon, atbp.

Ang mga organisasyon o mga business establishment na mapapatunayang gagawa ng child labor ay mahaharap sa pagkakatanggal ng kanilang permits, penalty, at maging ang pagkabilango, dipende sa bigat ng nagawang pagkakasala.