Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa maayos na ang kalagayan ng dalawang overseas Filipino workers (OFW) na sakay ng sumadsad na eroplano sa Mactan-Cebu International Airport.
Pinakikilos ng kagawaran ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) gayundin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para tulungan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na sakay ng eroplano ng Korean Air.
Sinabi ni Migrant Workers Sec. Susan Toots Ople na kabilang aniya sa mga posibleng tulong na ibigay ng OWWA at POEA ay ang pagsasaayos ng kanilang flight gayundin ang pagtingin sa kanilang sitwasyon.
Magugunitang, nag-overshoot ang Korean Air flight KE631 sa runway 04 ng Mactan Cebu International Airport na tuluyan nang nai-alis kanina.
Batay sa inisyal na datos, aabot sa 162 ang sakay nitong pasahero at 11 ang crew.