Sumuko sa militar ngayong Holy Week ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kinilala ng 3rd Special Forces Battalion ang 18-anyos at isang babaeng miyembro ng NPA sa kanikanilang mga alyas na Joy at Rosman.

Si Joy, residente ng San Agustin, Surigao del Sur at sinasabing medic ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NMRC), ay sumuko noong Holy Wednesday.

Isinuko rin niya ang kanyang M-1 riffle, shotgun at medical supplies.

Si Rosman naman, na residente ng Lianga, Surigao del Sur at sinasabing miyembro rin ng NMRC, ay sumuko noong Maundy Thursday.

Isinuko rin niya ang kanyang M-16 riffle sa mga sundalo.

Ayon sa militar, 16-anyos lamang si Joy nang ma-recruit daw ito ng NPA.

Paglabag anila ito sa International Humanitarian Law.