-- Advertisements --

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isa sa panig ng militar matapos magka-engkwento ang dalawang grupo sa may Hacienda Remunda, Brgy. Kapitan Ramon, Silay City, Negros Occidental.

Ito ang kinumpirma ni 3rd Infantry Division Public Information Affairs Officer, Captain Cenon Pancito III, Public Information Affairs Officer ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army.

Ayon kay Pancito, naganap ang engkwento alas-6:00 ng umaga kanina makaraang makasagupa ng tropa ng militar ang nasa 10 mga miyembro NPA.

Tumagal ng 35 minuto ang bakbakan bago tuluyang tumakas ang mga rebelde.

Nakuha sa encounter site ang isang M16 rifle.

Sa ngayon nagpapatuloy ang combat at clearing operations ng militar laban sa komunistang NPA.