Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga Pilipino na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) habang nasa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, pumalo na sa 10,869 ang total ng COVID-19 cases sa mga Pinoy overseas.
Mula sa nasabing bilang, 6,919 na ang gumaling. Nasa 801 naman ang binawian ng buhay.
“No new fatalities and no new recoveries among Filipinos abroad.”
Ang mga nagpapagaling naman ay nasa 3,149, na nasa 80 bansa at iba’t-ibang rehiyon.
Pinakamarami pa rin ang mga Pilipinong infected sa Middle East/Africa na nasa 7,137 cases. Sinundan ng Asia Pacific sa 1,713 cases.
Ang mga kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa Europe ay 1,209, at 810 sa Americas.
“The DFA remains fully committed to monitoring the situation of overseas Filipinos who are affected by the pandemic and remains steadfast in promoting and protecting their welfare.”