-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang dalawang nakamotorsiklo matapos umanong magkarera sa Laoag-Suba-Paoay road sa Barangay Balacad dito sa lungsod ng Laoag at lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon kay Police Lieutenant Francis Sean Bagaoisan, ng Philippine National Police (PNP) Laoag Traffic Division, minamaneho ng unang biktima ang yamaha mio habang minamaneho naman ng pangalawang biktima ang suzuki raider.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, patungong timog ang driver ng yamaha mio habang ang driver ng suzuki raider ay patungo sa hilaga kung saan nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, ang driver ng yamaha mio ay lumihis sa linya ng kalsada na naging dahilan ng pagbangga ng dalawang motorsiklo.

Nagtamo ng matingding sugat ang dalawang driver sa kabila ng pagsusuot ng protective helmet.

Isinugod ang dalawang biktima sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital para sa karagdagang paggamot ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.