DAVAO CITY – Arestado ang isang lalaki at isang babaye dahil sa pagpapakilala bilang mga opisyal ng militar pero peke pala.
Sa ikinasang entrapment operation sa Barangay Bagonjg Silang Maragusan, Davao de Oro, huli sina Kristoffer Niño Somoza Mudlong, 30 anyos, residente ng Tondo Manila na nagpakilala ng kanyang sarili na si Colonel Daniel Dave Pascual Mendoza at isa umano siyang Military Physician sa ilalim ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM); at ang isang Diana Grace Matarab, 28 anyos, residente ng Brgy Bagong Silang, Maragusan, Davao De Oro, na nagpakilala namang miembro ng Nurse Corps sa ilalim ng EASTMINCOM at mayroon umano itong ranggong Major.
Parehong naka-suot pa ng Philippine Army Pattern (Philarpat) uniform nang mahuli ang dalawa ng mga otoridad.
Inihayag ni MGen Nolasco A Mempin, 10ID Commander, hindi pinapayag ng 10th ID Agila Division ang kahalintulad na mga illegal a gawain at sinisiguro na mananagaot sa batas ang mga ito.