-- Advertisements --
bantag 1

Isinumite na ng panel of prosecutor ng Department of Justice (DOJ) para sa resolusyon ang dalawang reklamong pagpatay laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at iba pang mga respondents kaugnay sa Lapid-Villamor slay case.

Ito ang kinumpirma ni Senior Assistant State Prosecutor Charlie L. Guhit, miyembro ng panel na nagsasagawa ng preliminary investigation sa murder complaints.

Matatandaan na si Bantag ang umano’y mastermind sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at sa Bilibid inmate na si Jun Villamor na itinuro ng self-confessed gunman na si Joel Escorial bilang middleman sa pagpatay kay Lapid noong Enero 3, 2022 sa Las Pinas city.

Ayon pa sa prosecutor, nagsumite ng counter-affidavit si Bantag bilang tugon sa mga kasong inihain laban sa kaniya habang ang ibang respondents naman na persons deprived of liberty ay nagsumite ng mga kaso para sa resolusyon nang walang counter-affidavit dahil ang kanilang sinumpaang salaysay na ang magsisilbing kanilang counter-affidavits.

Nauna naman ng nagsumite ng counter affidavit sa nakalipas na pagdinig ang isa pang respondent sa murder complaints na si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) inmate Christopher Bacoto.

Ang magkapatid naman na respondents na si Edmon Dimaculangan at Israel Dimaculangan ay hindi lumantad sa pagdinig o nagpadala ng kanilang legal counsels.

Sumipot din sa pagdinig ang abogado ng kapwa akusado ni Bantag na si BuCor Deputy Security office Ricardo Zulueta sa katauhan ni Atty. Julieta Puday bilang collaborating counsel ni Atty. Lauro Gacayan.

Hiniling ng abogado ni Zulueta ang mga kopya ng subpoena at complaints kabilang ang mga supporting documents.

Nilinaw naman ng Panel na base sa kanilang records na hidni maituturing na collaborating counsel si Atty. Puday para kumatawan sa repsondent na si Zulueta. Gayunpaman, ibinigay ng Panel ang kanyang mga kopya ng hiniling na mga dokumento

Samantala, naninindigan ang kampo ni Bantag sa pagsusulong na mailipat sa office of the Ombudsman mula sa DOJ ang imbestigasyon sa kaso laban sa kaniya.

Sa isinumite kasing counter-affidavit ni bantag, binanggit ang ilang inconsistencies o hindi pagkakapareho sa mga testimonya ng mga testigo laban kay Bantag kasama na ang inilabas ng gunaman na si Escorial.

Ipinunto niya na hindi umaayon ng pahayag ni Escorial sa mga pahayag ng dalawa pang respondent, ang mga bilanggo na sina Alvin Cornista Labra at Aldrin Micosa Galicia, na parehong tumestigo na noong Setyembre 17 ay pumayag sila sa pagpatay kay Mabasa.