-- Advertisements --
Screenshot 2020 10 17 10 14 31

KORONADAL CITY – Pansamantalang isinara muna ang dalawang munisipyo sa lalawigan ng Maguindanao matapos na pasukin ng tubig-baha.

Ito ay kinabibilangan ng mga municipal hall ng Pagalungan at Datu Montawal sa nabanggit na bayan.

Sa ngayon ay nasa mahigit 5,000 residende na ang apekatdo ng malawakang baha dahil halos lahat ng barangay ay lubog sa ba.

Ang mga nabanggit na bayan ay naapektuhan ng baha matapos umapaw ang Pulangi River dahil pa rin sa walang humpay na buhos ng ulan sa nakalipas na mga araw.