-- Advertisements --

VIGAN CITY – Kapwa dead on arrival sa ospital ang dalawang motoristang sangkot sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, alas – 10: 15 kagabi ng magsalpukan ang isang Honda Dio Scooter na minaneho ni Felipe Rendon Jr., 22-anyos na residente ng Bigbiga, Santiago at isang 14-wheeler truck na minaneho ni Arnel Naldo, 39-anyos na taga- Mabiga, Mabalacat, Pampanga.

Patungong timog na direksyon si Rendon nang pinaniniwalaang inagaw nito ang linya ng patungong hilagang direksyon na si Naldo kaya nangyari ang salpukan.

Nagtamo ng malalang sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima kaya idinerklera itong DOA sa Candon General Hospital.

Samantala, nagkalasog-lasog ang katawan ng isang 17-anyos na motorista sa Barangay Bayugao Oeste, Sta. Cruz nang makasalpukan ang isang pampasaherong bus sa nasabing lugar.

Nakilala ang biktima na si Darwin Duenas na residente ng Villa Garcia, Sta. Cruz samantalang ang nagmaneho ng nasabing bus ay si Albert Bilen, 41-anyos na taga- Mabilbila Sur, Santa.

Tinatahak ng nasabing bus ang nasabing kalsada patungong hilagang direksyon nang salpukin ng biktimang nakasakay sa kaniyang motorsiklo na patungong timog na direksyon.

Dahil sa lakas ng impact ng nasabing salpukan, nakaladkad ng bus ang biktima ng ilang metro mula sa lugar kung saan nito nabangga ang bus na siyang rason ng pagkamatay ng biktima.