-- Advertisements --

Arestado ng pinagsanib-puwersa ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police, at maging ng Kabasalan LGU ang dalawang motorbanca na sangkot sa “hulbot-hulbot” fishing sa katubigang sakop ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Ito ay gitna ng mas pinaigting pa na anti-illegal fishing operationas ng mga otoridad partikular na sa mga katubigang sakop ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa Coast Guard Station Zamboanga Sibugay, ang paggamit ng modified danish siene o “hulbot-hulbot” ay isang uri ng pangingisda na mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan nang dahil sa mapanirang mapaparaan nito sa pangunguha ng lamang daan.

Sa pamamagitan kasi nito ay gumagamit ang mga mangingisda ng isang fine mesh nets at equipments na sumisira marine resources.

Ilan sa mga mangingisdang gumagamit ng hulbot-hulbot method ay nag o-operate sa mga municipal waters na nakakaapekto naman sa pangingisda ng mga small-scale fisherman.

Samantala, kaugnay nito ay pinuri naman ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang naging tagumpay ng PCG, PNP, at Kabasalan LGU para sa kanilang epektibong interagency collaboration laban sa ilegal na pangingisda sa bansa.