-- Advertisements --
Kinumpirma ng Jose R. Reyes Memorial Hospital na may dalawang pasyente sa kanila ang nag-positibo sa sakit na meningococcemia.
Ayon kay Dr. Ferdinand De Guzman, chairman ng Department of Family Medicine ng ospital, nasa isolation room na ang dalawang menor de edad matapos makitaan ng sintomas ng sakit.
Nitong nakaraang Huwebes nang mamatay ang isang sanggol sa ospital dahil sa meningo.
Ayon sa Department of Health, naipapasa ang naturang sakit sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing at pagka-expose sa mga gamit ng isang meningo patient.
Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, ubo, makating lalamunan, rashes, kumbolsyon at pagsusuka.
Batay sa ulat ng DOH, halos 200 na ang kaso ng meningo sa bansa mula Enero.