BUTUAN CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA No. 9165, ang ttalong tulak at gumagamit din ng illegal na droga matapos mahuli sa magkahiwalay na operasyon ng PDEA sa Bohol Travellers Inn sa San Nicolas street, Barangay Washington, Surigao City.

Kinilala ni Dindo Abellanosa, information officer ng PDEA Caraga ang mga nadakip na sina Harold Yuipco Macalandag, 28, isang rehistradong medtech na nagtrabaho sa Caraga Hospital na taga-Borromeo St., Brgy. Taft, Surigao City at isang Joseph Angelo Mancer, isang CPA mula sa Cebu City at ang medtech din na si Gabriel Paras, ng Koronadal City sa South Cotabato.

Kasama sa mga narekober ang marked money, sachet ng pinaniniwalaang shabu at pera.

Ayon kay Abellanosa, malalaking transaksyon ang ginawa ng tatlo base na sa kanilang intelligence monitoring ngunit kaunti lamang umano ang kanilang narekober dahil nakatunog na ang mga ito.

Habang sa ginawang drug test, nagpositibo ang tatlo sa paggamit ng illegal drugs.