Dumating na sa Marawi City ang dalawang pulis Mandaluyong na nag-viral sa social media na hinahataw ng yantok ang dalawang lalaking lumabag sa ordinansa ng kanilang barangay.
Ayon kay Philippine National Police-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) Regional Director Police Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, kahapon dumating sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez
Kaninang umaga naman ay isinama mismo ni Gen. Sindac ang dalawa sa Marawi City para mag-observe sa ginagawang clearing operation ng mga otoridad.
Ginawa raw ito ni Sindac matapos ipag-utos ni PNP chief dir. Gen. Ronald Dela Rosa na dapat ngayong araw ng Miyerkules ay nasa Marawi City na ang dalawa.
Sa ngayon nananatili sa Marawi City Police Office sina Tandog at Enriquez
Sinabi pa ni Sindac, nais lamang nilang magbagong buhay ang mga pulis na ito habang ginagawa ang kanilang tungkulin pero sa Marawi City.
Una nang sinibak ang dalawang pulis sa Mandaluyong dahil sa pangyayantok sa dalawang lalaking nahuling umiinom sa kalsada.