-- Advertisements --

Hindi naging maganda sa pagsisimula ng US Open ng dalawang malalaking pangalan sa tennis player sa mundo.

Nabigo kasi sa unang round pa lamang ng nabanggit na torneo sina Japanese tennis great Naomi Osaka at Emma Raducanu.

Noong nakaraang taon kasi ay ginulat ng 19-anyos na si Raducanu ang mundo ng mag-kampeon ito.

Ngayong taon ay binigo siya ni Alizé Cornet ng France sa score na 6-3, 6-3.

Habang si Osaka ay hindi nakaporma sa American player na si Danielle Collins sa straight sets na 7-6(5), 6-3.