-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Itinuturing ng OCTA researcg group na mas matindi ngayon ang laban ng bansa kontra sa Delta variant ng COVID-19.

Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral na 1,200 na beses ang viral load ng naturang variant kaya mas mabilis na makahawa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Prof. Guido David ng OCTA reseacrh, sinabi nito na mahalaga ang pagkakaroon ngayon ng “early intervention” laban sa delta variant upang makontrol ang pagkalat nito.

Isa na dito ang paglalagay muli sa enhanced community quarantine sa National Capital Region.

Sa kanilang paningin, mayroon nang community transmission sa NCR ng mas nakakahawang sakit.

Epektibong paraan aniya ang pagkakaroon ng maagang aksyon upang agad na makontrol ang pagkalat ng mas mapanganit na variant ng coronavirus disease.

Pinangangambahan rin ng OCTA na baka dumating ang araw na mas mataas pa ang bilang ng delta variant cases kesa sa mga nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.