-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang dalawang lalaki matapos maaksidente ang kanilang sinakyang motorsiklo sa Manila-North Road, Barangay 35, Billoca sa lungsod ng Batac.

Nakilala ang mga biktima na sina Ferdinand Ancheta, 49, may asawa, hallow blocks maker, driver ng motorsiklo, residente sa Barangay Caraitan sa bayan ng Badoc at ang kanyang kasama na si Ronald Manglal-lan, 44, isang magsasaka at residente sa Sitio Tungbol, Barangay Billoca sa lungsod ng Batac.

Sa inisyal na imbestigasyon, patungong timog ang mga biktima nang aksidenteng nawalan ng kontrol ang driver na nagresulta ng pagkakabangga nila sa waiting shed.

Dahil umano sa lakas ng pagkakabangga ng mga biktima at nagtamo ang mga ito ng matinding sugat sa ulo na nagresulta ng agaran nilang pagkamatay.

Nabatid na parehong nasa impluwensya ng alak ang mga biktima.

-- Advertisement --