-- Advertisements --

Nahuli ang dalawang lalaki sa border control sa bayan ng Badoc dahil sa paggamit ng pekeng dokumento.

Ito ang kinumpirma ni Police Major Jephre Taccad, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO).

Ayon kay Taccad, nakasakay sa isang Isuzu Elf close Van na may plate number na ABB6278 ang mga nahuli.

Kinilala niya ang driver na 31-anyos, residente sa Parañaque at ang helper nito na 21-anyos, tubo sa Laurel, Batangas.

Ani Taccad na pasado alas-9:40 kagabi ng dumating ang sasakyan ng mga ito sa border at sinuri ang kanilang mga dokumento.

Samantala, nalaman na ang ipinakitang RT-PCR test result ng mga ito ay peke dahilan para dumaan sila sa antigen test at naipasakamay sa mga otoridad para sa imbestigasyon.

Sa ngayon ay inihahanda na ang reklamong may kaugnayan sa Republic Act (RA) 10951 o ang Falsification by private individual and use of falsified documents.