-- Advertisements --
Pinalo sa publiko at pinaglinis sa mga palikuran ang dalawang TikTok comedians dahil sa ginawang pambabatikos kay state Governor Abdullahi Umar Ganduje ng Kano, Nigeria.
Sina Mubarak Isah Muhammad, 26-anyos at Nazifi Muhammad Bala, 23-anyos, ay nakatanggap ng tig-20 na palo dahil sa pambabastos sa gobyerno sa nasabing social media platform.
Dinala ang dalawa sa magistrate court at inamin nila ang nasabing alegasyon.
Hindi na rin sila humingi ng anumang abogado at mananatili sa kustodiya ng korte sa mga susunod na araw.