-- Advertisements --
Sugatan ang dalawang katao matapos ang pamamaril sa isang medical clinic sa Pennsylvania.
Ayon kay Police Chief John Philips na nagtungo ang armadong lalaki sa clinic ng Wyomissing at kinumpronta ang isang babae.
Bigla na lamang binaril nito ang babae sa mukha at leeg maging ang isang lalaki na umawat ay nabaril sa katawan.
Matapos ang insidente ay nagbaril sa sarili ang suspek na agaran nitong ikinasawi.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.