Nagtamo ng minor injuries ang 2 katao sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Barangay Sta. Ana sa Taguig kaninang umaga, Linggo, May 5, 2024.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Taguig nagsimula ang sunog bandang alas-tres y medya ng umaga at umabot sa unang alarma bandang alas-kwatro ng madaling araw.
Idineklara itong fire out bandang alas-kwatro y medya ng umaga.
Pinuri naman ni Fire Senior Inspector Demetrio Sablan Jr., chief of Operations ng BFP-Taguig, ang pagdating ng mahigit sa 20 firetrucks at sapat na suplay ng tubig para sa mabilis na pagtugon sa sunog, na nagdulot ng pinsala sa pitong pamilya.
Patuloy pa rin umano ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala sa limang istrakturang naapektuhan.
Ani Sablan, batay sa initial information mula sa mga witness, appliances sa isang tindahan ng gulay ang pinagmulan ng sunog.