CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa 16 katao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.
Pinakahuli na nagpositibo sa Covid 19 ay sina 123 at 125 patient mula sa bayan ng Pikit Cotabato.
Ang dalawa ay may travel history mula sa Metro Manila at kabilang sa mga nakauwi sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dumating ang dalawa sakay ng Bus mula sa Manila patungong Sultan Kudarat at sinundo ng TF Sagip Stranded pauwi sa probinsya nitong July 8, 2020.
Agad kinunan ng swab sample ang dalawang Locally Stranded Individual (LSI) at lumabas sa RT-PCR Test na nagpositibo ito sa Covid 19.
Ang mga pasyente ay nasa Isolation facility ng Pikit Cotabato, asymptomatic at nasa stable na kondisyon.
Pinayuhan naman ni Mayor Sumulong Sultan ang mga residente ng Pikit na manatili sa bahay kung walang importanteng lakad at palagihin ang pagsuot ng mask.