-- Advertisements --

Hindi na pinaporma ng Phoenix ang TNT 95-81 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Mula sa simula ay hawak ng Phoenix ang kalamangan kung saan dumoble pa ang kanilang kalamangan 28-14 sa first quarter.

Nanguna sa panalo ng Phoenix si Jason Perkins na mayroong 27 points, anim na rebound, tatlong assists at isang block habang mayroong 16 points si Tyler Tio.

Hindi umubra ang nagawang 20 points ni Calvin Oftana at 14 points ni Simon Enciso.

Mayroon ng dalawang panalo at tatlong talo ang Phoenix habang ang TNT ay wala pang panalo sa loob tatlong laro.