-- Advertisements --

Nagpapagaling pa rin ang dalawang kapulisan ng Los Angeles County Sheriff’s Department matapos na sila ay pagbabarilin.

Isang lalaki at babaeng deputy ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nangyari ang insidente habang nakaupo sa kanilang patrol vehicle ang mga biktima.

Ayon kay Sheriff Alex Villanueva, na isang kaduwagan ang nangyaring pamamaril sa dalawang kapulisan sa Compton.

Dinala na sa St. Francis Medical Center sa Lynwood ang mga sugatang kapulisan.

Isang 31-anyos na babae at 24-anyos na lalaki ang mga biktimang pulis.

Nagpahayag naman ng interest ang FBI na imbestigahan ang nasabing pangyayaring pamamaril.