-- Advertisements --
Pasado na sa US House of Representatives ang panukalang batas na coronavirus pandemic $2,000 stimulus checks.
Ang nasabing House bill ay mas mataas sa $600 checks na unang pinirmahan na ni US President Donald Trump kahapon.
Sa botohan lumabas ang 275 na pumabor habang 134 naman anbg kumontra sa nasabing stimulus package.
Dahil dito nakatakdang ipasakamay ito sa US Senate para pagtibayin.
Samantala, sa susunod namang linggo ay magsasagawa ng bicameral conference ang House at US Senate para sa pormal na pagbibilang ng Electoral College.