-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Nagsimula nang ipinakalat ng Police Regional Office 10 ang nasa dalawang libo na pulis sa mga pangunahing simbahan at pilgrimage sites sa Northern Mindanao nitong araw.

Kaugnay ito sa paggunita ng simbahang Katolika ng mga Mahal na Araw na dadagsain ng mga deboto na sasailalim ng ilang mga aktibidad bilang pagbalik-tanaw sa mga sakripisyo at ebanghelisasyon ng Kristo-Hesus higit dalawang libong taon na ang nakalipas.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Major Joann Galvez-Navarro na partikular na pinatutukan ng Camp Alagar ang mga syudad ng Cagayan de Oro at Iligan kung saan nagsilbing highly urbanized cities na mayroong malaking pangangailangan ng seguridad.

Maliban rito ay pinadagdagan rin ng PRO 10 ang puwersa ng pulisya sa mga probinsya ng Misamis Oriental kung saan makikita ang maraming pilgrimage sites na kinabilangan ng tanyag na Divine Mercy Shrine na makikita sa syudad ng El Salvador.

Nakatutok rin ang atensyon ng pulisya sa mga deboto na kalaunan ay magiging mga turista sa isla ng Camiguin at ibang bahagi ng rehiyon.

Magugunitang naka-full alert status ang buong Northern Mindanao dahil layunin ng PR0 10 na makuha ang pangkabubuan na katahimikan at katiwasayan paggunita ng mga Mahal na Araw at maging sa Easter Sunday.