DAVAO CITY – Dead on the spot ang dalawang Indigenous Peoples o IP matapos na binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspetsado sa may Barangay Marahan, Marilog District, Davao City.
Kinilala ng Marilog Police ang mga biktima na sila Datu Alberto Tumindog at Jhonny Masangcay, mga magsasaka mula sa tribong Bagobo at residente sa nasabing lugar.
Pagkukuwento pa ng nagdadalamhating pamilya, isang pula at isang pick-up ang sinakyan ng mga suspek na nagpanggab umanong buyer ng lupa sa nasabing lugar.
Ngunit, bigla na lamang pinagbababaril ang mga biktima sa ulo na naging sanhi ng kanilang biglaang pagkamatay.
Tinututukan ngayon ng kapulisan ang anggulong posibling kakilala lamang ng mga biktima ang mga suspek dahil may nangyari pa umanong sagutan sa dalawang panig bago pa nangyari ang pamamaril sa mga biktima.